Tatakbo si Sumpio bilang konsehal ng Puerto Princesa City sa ilalim ng ticket ni City Councilor Peter "Jimbo" Maristela.

Tinatanggap ni dating overseas Filipino worker (OFW) na si Barry Sumpio ang hamon bilang isa sa mga kandidato ng pagkakonsehal ng Puerto Princesa City.

Ayon kay Sumpio, isusulong niya sa konseho ang mga programang pang turismo, pagkakaroon ng sariling ospital ng lungsod, edukasyon sa pamamagitan ng free internet access, at iba pang serbisyong nakasanayan niyang ihandog sa mga kapwa Pilipinong manggagawa na nasilbihan niya noong siya ay nasa Middle East nang higit sa isang dekada.

Tatakbo si Sumpio bilang konsehal ng Puerto Princesa City sa ilalim ng ticket ni City Councilor Peter “Jimbo” Maristela.

“Handa na ako para sa challenge na kung saan kung ano ang klase ng serbisyo na ibinigay ko sa mga kapwa ko Pilipino abroad, ‘yon naman ang kailangan kong ibigay sa bayan kong pinanggalingan, ang Puerto Princesa,” pahayag ni Sumpio sa Palawan News.

- Advertisement -

“Ako ay nagpapasalamat sa aking mga supporter dahil sila ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob sapagkat ang laban na ito ay para sa lahat. Ito ay para mabigyan natin sila ng pagbabago at mabigyan sila ng tulong sa panahon ng pandemya,” dagdag nito.

Si Sumpio ay lumaki sa Cuito at nasanay sa simple at payak na pamumuhay, subalit nagpursige upang maiahon ang antas ng kanilang pamumuhay.  Natapos niya ang kanyang pag-aaral bilang iskolar at student leader, hanggang sa  nakakuha siya ng trabaho sa Middle East bilang human resources practitioner. Doon ay nagsilbi siyang presidente ng Filipino community sa bansang Oman. Naging layunin niya ang maglingkod sa mga overseas workers na nakaranas ng karahasan sa kamay ng kanilang mga employer.

Ito ang unang beses na sasabak si Sumpio sa pulitika, subalit mayroon namang political legacy ang kanyang pamilya. Ito ay dahil siya ang apo ni Atty. Apolinario Rengel, dating konsehal at public servant sa Puerto Princesa City.

Aniya, kung siya ay papalaring maging konsehal, nais nyang paigtingin ang mga programang panturismo na siyang magiging daan upang magkaroon ng alternatibong pamamaraan upang maiangat ang buhay ng mga negosyo at indibidwal na kasapi sa sektor na ito. Nais din niyang ang pagkakaroon ng Ospital ng Puerto Princesa na siyang kakalinga sa mga mahihirap at upang palakasin ang health care system at pasilidad ng lungsod. 

Dagdag pa niya, nais niyang bigyang halaga ang programang susuporta sa edukasyon ng kabataan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya kagaya ng free internet access sa mga mag-aaral lalo na ang mga malalayong lugar o barangay. Ang pagkakaroon ng mga stratehiyang magpapalakas sa agrikultura at pangingisda upang matulungan ang mga mahihirap ay nais din niyang isulong.

Previous articleOctober is Super Month at SM
Next articleLalaki arestado sa El Nido dahil sa paglabag sa anti-carnapping law
is a senior reporter for Palawan News who covers politics, education, environment, tourism, and human interest stories. She loves watching Netflix, reading literary fiction, and listens to serial fiction podcasts. Her favorite color is blue.