SAN VICENTE, Palawan — Muling nagsagawa ng Barangayanihan Ayuda ang mga tauhan ng 3rd Platoon ng 401st B MC Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa Sitio Macatumbalen, Barangay Poblacion sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Erpelo, bilang bahagi ng kanilang paghahatid tulong at pagsasaayos ng ugnayan sa pagitan ng mamamayan at ng pulisya.

Ang programa ay inilunsad ng PNP upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ayon kay P/Cpl. Michael Angelo Villaverde ng RMFB, ang aktibidad ay matagal na nilang ginagawa sa iba’t-ibang lugar sa San Vicente bilang bahagi ng kanilang outreach programs at iba pang kahalintulad na aktibida.

- Advertisement -

Dagdag niya, ang Barangayanihan Ayuda ay gawain ng PNP sa kanilang outreach program, na dati na nilang ginagawa sa pamamagitan ng gift giving, feeding, medical mission at iba pa.

“Ito ay programa ng Police Community relations ng PNP. ‘Yung Barangayanihan Ayuda kasi, yan yung kanyang national banner. Bale ine-encourage natin ang mga mamamayan ng barangay para magbayanihan para matulungan ang isa’t-isa lalo ‘yung mas nangangailangan,” pahayag ni Villaverde.

“Nagsasagawa ng bayanihan ang bawat barangay o community ngayong pandemya para masuportahan ang isa’t-isa” dagdag niya.

Bukas din sa lahat ang Barangayanihan sa bayan ng Taytay na matatagpuan sa harap mismo ng kampo ng RMFB-Taytay na pinamumunuan ni P/Capt. Marvin Estigoy, habang patuloy din ang Barangayanihan Ayuda na ginagawa ng San Vicente Municipal Police Station (MPS).

Kabilang naman sa mga pribadong indibidwal at grupo na nagbibigay suporta sa aktibidad sina Remmy B. Nangit, Ma. Anna Nangit, Johnny Solivio, at ang Eagles club ng San Vicente at Taytay. “Nagiging sustainable ang programa dahil sa kanila at sa iba pang nagmamalasakit na kababayan na nagpapaabot ng tulong at sumusuporta sa programang ito,” pahayag ni Estigoy.

Previous articleBangkang pangisda nasabat ng awtoridad sa Cuyo
Next articleUSAID launches 4 projects promoting locally-led development solutions in the Philippines
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.