No Images found.

Barangay tanod na nakikipag-burol sa kaanak, pinagtataga sa hindi malamang dahilan

Nangyari ang insidente Linggo ng gabi kung saan ang biktima na kinilalang si Jonathan Palcis Peria, 41, ay natutulog sa kinakaupuan nito ng bigla na lamang siyang lapitan at pagtatagain ng isang residente din ng lugar na kinilalang si Egmedio Reyes, 30.

Ang suspek na si Egmedio Reyes, 30.

 

Sugatan ang isang barangay tanod ng Barangay Buenavista, Puerto Princesa City matapos ito pagtatagain ng isang lasing habang sa hindi pa malamang dahilan habang ito ay nakikipaglamay sa burol ng isang kaanak.

Nangyari ang insidente Linggo ng gabi kung saan ang biktima na kinilalang si Jonathan Palcis Peria, 41, ay natutulog sa kinakaupuan nito ng bigla na lamang siyang lapitan at pagtatagain ng isang residente din ng lugar na kinilalang si Egmedio Reyes, 30.

Isinugod sa Ospital ng Palawan (ONP) si Peria na nagtamo ng maraming taga sa katawan. Nasa kustodiya naman ng City Police Station 2 si Reyes na nauna nang tumakas matapos ang insidente, ngunit kalaunan ay sumuko din kay kapitan Juanito Capin ng Buenavista.

Sabi ni Capin, tahimik lang si Reyes ng dumating ito sa kanyang bahay bandang alas onse ng Linggo ng gabi ilang oras matapos ang insidente upang sumuko. Wala din umanong alitan ang dalawa na napag-alamang makapitbahay lang.

“Wala, hindi siya nagsasalita. Basta ang alam niya lang nataga niya. Tinaga daw niya,” pahayag ni Capin.

“Tahimik lang siya. Basta ang sabi lang niya, ‘kap. magsuko ako, kasi may napatay ako. May tinaga ako’,” saad pa nito.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry