Natagpuan na ang katawan ng lalaking tinangay ng alon sa Malatgao River| Photo courtesy of PCG Quezon

Natagpuan noong Lunes ng umaga, Pebrero 15, ang katawan  ng lalaking tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Malatgao River sa bayan ng Quezon.

Ang biktima ay kinilalang si Jose del Monte, 58, residente ng Barangay Malatgao. Ang katawan nito ay natagpuan sa bahaging kawayanan na malapit sa tulay Malatgao.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Quezon, tumaas ang lebel ng tubig sa nasabing lugar bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Bandang tanghali ay tinangka ng biktima na tumawid sa ilog habang tinutulak ang kanyang motorsiklo subalit tinangay ito ng malakas na agos.

About Post Author

Previous articleLinapacan cops nab No. 2 most wanted person inside his house
Next articleMamamayan ng Brooke’s Point, hiniling na huwag muna pumunta sa Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.