Ang katawan ng isang lalaki na hinihinalang pinatay sa kabundukan ng Pulot Interior, Sofronio Espanola

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — May natagpuan na katawan ng isang lalaki na hinihinalang pinatay sa kabundukan ng Pulot Interior sa bayang ito noong araw ng Martes, Mayo 25.

Kinilala ng mga kamag-anak ang biktima na si Jonald Libuna, 42 taong gulang, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, maraming sugat sa likod si Libuna at patay na nang makita ng kanyang mga kaanak.

Sa panayam ng Palawan News kay P/Lt. Nolie Vergara, hepe ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), sinabi nitong itinawag sa kanila ng isang empleyado ng barangay ang pagkakatagpo sa bangkay pasado alas diyes ng umaga at agad nilang tinungo ang lugar upang magsagawa ng imbestigasyon at kumpirmahin ang insidente.

- Advertisement -

“Hindi pa natin makumpirma kung paano ang pagpatay sa kaniya, dahil hindi pa naglalabas ng autopsy report para dito. Inaalam pa natin kung pinatay ang lalaking ito,” pahayag ni Vergara.

Previous articleMagsaysay nakatanggap ng parangal mula sa DOH
Next articleLast-term doldrums
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.