Isang lalaki ang natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Purok Tagkawayan, Brgy. Bacungan 8:00 ng umaga ng Martes, February 14.
Kinilala ang lalaki na si Joseph Lidovice Navarroza, 59 taong gulang at caretaker ng isang lupain sa lugar.
Base sa report ng PNP Police Station 2, agad silang rumesponde sa lugar matapos makatanggap ng isang tawag mula sa isang concerned citizen.
Pahayag ng kapitbahay na si Jefferson Bulan, araw-araw ay dumadaan si Navarroza sa kanyang tindahan kaya’t nagtataka siya nang hindi ito dumaan ngayong araw.
Dahil dito ay pinuntahan niya ang lalaki sa kanyang bahay at doon ay naabutan niya itong walang buhay
Ayon sa mga kamag anak ni Navarroza ay matagal na nitong iniinda ang sakit na pneumonia.
Natagpuan naman sa mga gamit nito ang isang identification card at isang pirmadong waiver para sa autopsy.