Jan 24, 2021

Bangkang pangisda, nasagip ng mga residente sa Brooke’s Point

Kaagad ding ipinaalam sa opisyales ng barangay na may nasagip na isang malaking bangka sa nasabing barangay.

Larawan mula kay Jeson Sadili

BROOKE’S POINT, Palawan — Isang bangkang de motor na palutang-lutang ang nasagip sa laot ng mga residente ng Barangay Maasin, dakong alas tres ng hapon ng Linggo, sa bayan na ito.

Kaagad ding ipinaalam sa opisyales ng barangay na may nasagip na isang malaking bangka sa nasabing barangay.

Sa panayam ng Palawan News kay Jeson Sadili, residente ng nasabing lugar nitong Lunes, ang bangka ay naglalaman ng mga kagamitang pangisda katulad ng mga kawil at lambat at mga gamit na panluto katulad ng kaldero.

“Wala naman pong sira sa bangka, may makina pa pong nakalagay. Akala nga po namin may tao lang na natutulog noong sagipin po namin pero wala po,” pahayag ni Sadili.

“Kulay yellow at green ang bangka. Ang Brooke’s Point po ay blue, puti at pula ang color code ng mga bangka kaya posibleng hindi taga Brooke’s Point ang may-ari nito,” dagdag niya.

Ayon kay sadili, ang bangka ay may kalakihan at ginagamit sa pangmalaking pangisda.

“Medyo malakas lang po ang hangin sa Brooke’s Point kahapon sa dagat at nagtulong-tulong po kami dito kasama ang Maasin Fish Sanctuary na hilain ito sa baybayin para hindi lang po lumayo ang bangka. Sa ngayon nandito pa rin sa amin. Itinali lang namin,” aniya.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry