Ang sasakyang pangisda na nahuli ng PCG at Bantay Dagat Cuyo sa isla ng Manamoc sa Cuyo noong May 6.

Isang malaking bangkang pangisda ang nasabat ng puwersa ng Bantay Dagat-Cuyo sa tulong ng Coast Guard Station-Cuyo (CGS-Cuyo) sa karagatang sakop ng Barangay Manamoc sa bayan ng Cuyo noong araw ng Huwebes, Mayo 6.

Ayon kay Mayor Mark Delos Reyes, ang bangkang pangisda na may 15 tripulante ay gumagamit ng method na trawling na ipinagbabawal.

Dagdag pa ni Delos Reyes, ang bangka ay mula sa Cadiz City sa lalawigan ng Negros Occidental.

“Hindi naman sila aktong nahuli na nagsasagawa ng pangisda sa Manamoc ngunit nanag mag-inspection ang coast guard, naakita sa bangka ang trawl. ito ay paraan ng pangingisda na pati maliliit na isda ay pwedeng mahuli at masisira ang mga corals,” paliwanag ni Delos Reyes.

“Ayon sa kanila ginamit lang nilang shelter ang isla ng Manamoc pero kung hindi ito napuntahan siguro magsasagawa talaga sila ng pangingisda with in our vicinity sa municipal water ng Cuyo,” dagdag niya.

- Advertisement -

Ang nasabing fishing vessel ay naharap sa paglabag sa ordinansa ng Cuyo may kaugnayan sa Illegal entry to Municipal Waters ng mga sasakyang pangisda na hindi rehistrado sa nasabing lugar.

Pinatawan ng multang P2,500 ang bawat crew ng bangka sa paglabag sa ordinansa.

Paalaala naman ni Delos Reyes sa mga mamamayan ng Cuyo, agad na mag-report sa kaniyang opisina, o kaya ay sa Bantay Dagat at maging sa CGS-Cuyo kapag may mga fishing vessel na makitang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Cuyo.

“Mag-report sila sa opisina natin para mapanagot natin ito ang mga nag-iiligal sa ating karagatan. Tuloy-tuloy ang aking mandato sa Bantay Dagat natin na patuloy na ikutin ang karagatan natin para sa mga illegal fishing or illegal entry sa ating municipal waters,” panawagan ni Mayor Delos Reyes. (with reports from Arphil Ballarta)

Previous articleBanana producers association ng Sto. Niño sa San Vicente nakatanggap ng libreng spray cans
Next articleBarangayanihan isinagawa ng 401st RMFBs sa Poblacion, San Vicente
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.