Isang bangkang pangisda ang nasabat ng awtoridad matapos na maaktuhang nanghuhuli ng galunggong sa karagatang sakop ng bayan ng Linapacan ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 21.

Ang bangkang pangisdang Monalinda 53 na pag-aari ng RBL Fishing Corporation ay nakuhanan ng mga isdang galunggong na hinuli sa kabila ng umiiral na closed fishing season sa bisa ng Joint Administrative Order no. 1 ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pinaiiral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bahaging norte ng lalawigan ng Palawan.

Ang closed season ay nagsisimula tuwing unang araw ng Nobyembre at nagtatapos naman sa huling araw ng Enero.

Ayon kay Mayor Emil Neri ng Linapacan, iniulat ng mga residente na anim na araw nang nangingisda ang mga maliliit na bangka mula sa mother boat nito sa bisinidad ng Barangay Calibangbangan. Dagdag pa niya, sa paliwanag ng kapitan ng bangka ay nagtatago lamang sila dahil maalon.

Dahil dito ay inirekomenda ng pamahalaang lokal ng Linapacan sa BFAR na suspendehin ang kumpanya sa sandaling mapatunayan na ito ay lumabag sa batas.

Dagdag pa ni Neri, ang pagkahuli sa bangka ay isang malaking hamon sa BFAR para patunayan na seryoso ito sa inilunsad na programa kamakailan sa bayan ng coron kaugnay sa Galunggung closed season upang patunayan na seryoso ito sila sa kanilang programa at adhikain.

Previous articlePalawan’s western coast remains under gale warning
Next articleCity PNP nagbabala sa mga motorista na huwag nang magmaneho kapag nakainom