Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, tagapagsalita mg 2nd SOU-MG at community relations officer nito, nakaranas ng engine failure ang motor banca na sinasakyan ni Jagmis na dahilan para hindi na ito umandar.

Muntik hindi maihatid agad sa Casian National High School (CNHS) ang mga module at school supply para sa mga estudyante sa Barangay Casian, Taytay, noong hapon nang Nobyembre 17 dahil ang bangkang may dala nito ay nagkaroon ng problema sa makina sa gitna ng karagatan.

Mabuti na lamang at na-rescue ang mga sakay nito ng Taytay Special Operations Unit ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group ng PNP at ng Philippine Coast Guard (PCG) na sina Dario Jagmis, principal ng CNHS , Danilo Jagmis ang boat captain, at Ricky Gerundio, crew ng bangka na mula sa mainland ng nasabing bayan.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, tagapagsalita mg 2nd SOU-MG at community relations officer nito, nakaranas ng engine failure ang motor banca na sinasakyan ni Jagmis na dahilan para hindi na ito umandar.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue ang Taytay SBU kasama ang PCG substation sa karagatang sakop ng Taytay, at nang makita ang bangka ay pinagtulungang hatakin ito at ligtas na idinaong sa pantalan ng Taytay hapon din ng Miyerkules.

- Advertisement -

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng nasabing motor banca.

“Ang motor banca kasama ang mga nasabing indibidwal ay ligtas na hinatak ng mga tauhan ng 2nd SOU-MG at PCG sakay ng Dauntless Boat 007 na sinakyan ni PSSg Ibrahim patungo sa Port of Taytay, Palawan,” sabi ni Abenojar, Nobyembre 21.

Previous articleMangsee Island sa Balabac, kabilang sa konektado na sa ‘Free Wifi For All’ ng DICT
Next articleSuspek sa pagpaslang sa security guard na si Jessie Mampay, sumuko dahil nakonsensya
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.