(Photo courtesy of Richard Ligad)

 

Isang bananacue vendor ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng illegal na droga sa Koche-Koche Street, Barangay Maningning, Lunes ng hapon.

Kinilala ni Richard Ligad, hepe ng Anti-Crime Task Force (ACTF) ang suspek bilang si Bobby Ola delos Santos, 42, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Ligad, nahuli si Delos Santos matapos makabili sa kanya ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang kanilang undercover agent sa halagang P500.

(Photo courtesy of Richard Ligad)

Sinabi ni Ligad na dati nang nahuli ang suspek.

“One month siyang nasa surveillance at katulad ng nahuli sa Barangay Mandaragat, dati na rin siyang nahuli,” ayon kay Ligad.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Police Station 1 at 2, City Drug Enforcement Unit at Anti-Crime Task Force.

About Post Author

Previous articleCorn farmer rescues pangolins from poachers
Next articleWanted sa kasong frustrated murder, inaresto sa El Nido
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.