Jul 8, 2020

Balintong isinurender sa Bataraza

Isinurender ang balintong ni Anthony Vergara, residente ng Barangay Marangas, sa monitoring unit ng PCSD sa munisipyo.

Hawak ni Anthony Vergara ang balintong na kanya ring isinurender sa PCSD. Kasama niya sa litrato ang kaibigang si Jairus Villapa. (Photo courtesy of Anthony Vergara)

BATARAZA, Palawan — Isang nasagip na balintong (pangolin) ang isinurender sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) noong Sabado sa bayan na ito.

Isinurender ang balintong ni Anthony Vergara, residente ng Barangay Marangas, sa monitoring unit ng PCSD sa munisipyo.

Ang balintong ay isang “critically endangered species” at ipinagbabawal sa batas ang panghuhuli o pag-aalaga nito ng walang pahintulot.

Ayon kay Vergara, ibinigay sa kanya ang balintong ng kanyang kaibigan na si Jay Ar Reyes na nadaanan ito noong madaling araw ng Sabado malapit sa zigzag ng Puerto Princesa habang nagmamaneho ng truck papuntang Bataraza.

Sabi ni Vergara, nagpasya si Reyes na dalhin na lamang ito dahil sa pangamba na masagasaan ito ng ibang sasakyan.

“Sa kwento niya sa akin nadaanan niya na tumatawid ang pangolin sa gitna ng kalsada at hininto niya amg truck niya. Naghugis bola ang pangolin ng maramdaman ang sasakyan,doon niya na napagpasyahan na dalhin para mailigtas ito,” sabi ni Vergara.

Sa data ng PCSD may sukat ang balintong na two feet ang haba at four inches ang lapad.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry