Nananatiling mahigpit ang pagbabantay ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) sa bayan ng Balabac sa lahat ng mga sasakyang pandagat na dumadaong at umaalis sa pier partikular na sa bilang ng pasahero nito lalo na ang mga pumupunta sa Kudat sa bansang Malaysia.

Ang paghihigpit ay bilang pagiingat COVID-19, sa kadahilanang ang bayan ng Balabac ay nagsisilbing border ng lalawigan ng Palawan sa bansang Malaysia.

Ayon kay Mitra Tanjilani, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang paghihigpit ay ipinatupad sa mga cargo vessel simula pa noong isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan.

“Until now mahigpit talaga tayo sa kanila. Alam natin na nagsisilbing palengke ng Balabac lalo na sa Mangsee ang kudat. Halos lahat ng mga negosyante natin dito ay doon namimili kaya regulated ang utos natin na 1 to 2 lang ang pwedeng isakay para mamili sa kudat,” Paliwanag ni Tanjilani. 

“‘Yung iba naman ay ipinadadala na lang nila sa mga cargo vessel ang produktong ipapabili dahil very limited lang ang pinapayagan nating tao na isakay sa isang lantsa. Alam natin na kung nag-iingat tayo, ay nag-iingat ang Kudat,” dagdag niya. 

Ayon pa kay Tanjilani, hindi naman pinagbabawalan ng awtoridad ng Kudat sa ngayon na may mga negosyanteng nagtutungo sa doon na mula sa  Balabac ngunit pinasusunod din ang mga ito sa sariling polisiya ng Kudat health authority.

Dagdag niya, ang mga negosyante na may mga bibilhin sa Kudat katulad ng mga groceries ay may mga contact na rin doon at tinatawagan nalang nila na ihanda ang bibilhin nila sa pantalan.

“Ang mga negosyante kasi natin na galing dito o ang mga cargo vessel natin from Balabac ay recognized na yan nila doon. Alam natin na matagal ng nagsisilbing palengke ng Balabac ang Kudat. Isa sa mga regulasyon doon ay hindi pwedeng magtagal sa Kudat at bumaba ang crew at negosyante natin. Naka-ready na doon ang produkto at babayaran nalang nila,” aniya.

Samantala, sa isla ng Mangsee, mayroon ding nakatalagang tauhan ng Coast Guard Sub Station na tumutulong sa opisyales ng barangay para i-monitor ang lahat ng sasakyang pandagat na umaalis at nagtutungo sa Kudat.

“Kagaya sabi nga natin palagi sa mga barangay kapitan dito, masusing i-monitor ang mga malalaking sasakyang pandagat na nagtutungo sa Kudat,” ani Tanjilani.

Previous articleMga residente ng Brgy. Bucana sa El Nido, nabiyayaan ng ayuda mula sa sundalo at pulis
Next articleDr. Palanca explains Acacia Tunnel controversy
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.