Isang consultation workshop hinggil sa muling pagbubukas ng industriya ng turismo ang isinasagawa sa bayan ng Balabac.

Ayon sa Palawan Provincial Information Office (PIO), isinagawa ito noong Disyembre 9 ng Balabac Municipal Tourism Office (MTO) katuwang ang Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO) ng pamahalaang panlalawigan.

Ang konsultasyon ay pinangungunahan ni provincial tourism officer Maribel Buñi at layunin nito na matalakay ang mga usapin at gagawing paghahanda sa muling pagbubukas ng turismo sa nasabing bayan.

Ilan sa mga pinag-uusapan, ayon sa PIO, ay ang IATF advisories, memorandum circular, at administrative orders hinggil sa operasyon ng turismo base sa umiiral na alert level system sa nabanggit na lugar.

- Advertisement -

Layon din nito na mabatid ang mga ideya ng mga tourism stakeholder, at makabuo ng mga panuntunan para sa muling pagbubukas ng bayan ng Balabac para sa mga turista.

Kabilang sa mga dumadalo sa nasabing consultation workshop ay ang mga private tourism stakeholders, representante mula sa local accommodations, transport at travel and tours, mga opisyal mula sa LGU Balabac, Coast Guard Balabac, PNP, at DILG.

Previous articleLalaki arestado matapos makumpiskahan ng baril, mga bala sa kanyang bahay sa Bataraza
Next articlePNS adopts “No Vaccination, No Entry” policy
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.