Image from Google Maps.

Tanging dalawang munisipyo na lang sa bahaging southern Palawan ang nananatiling COVID-19 free at walang naitatala mula sa mga bilang ng locally stranded individuals (LSIs) at returning overseas Filipinos (ROFs) na dumating simula pa noong Abril sa ilalim ng Hatid Probinsya.

Ang bayan ng Balabac at ng Narra ay ang mga natatanging munisipyo sa southern part ng Palawan na zero cases matapos na may mga naitala ng kaso sa Quezon, Rizal, Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza noong mga nakalipas na buwan hanggang ngayon.

Sa panayam ng Palawan News kay Mitra Tanjilani, ang vice chairman ng MIATF, nitong Martes, sinabi niya na isa ang kanyang bayan sa may napakababang bilang na LSIs at ROFs na dumating at hanggang ngayon zero cases pa rin ang Balabac.

Mayroong lamang anim na LSIs ang dumating sa Balabac noong June ngunit nagtapos na ang mga ito sa required 14 days quarantine. Graduate na rin ang isang ROF nila na dumating noong buwan ng June habang ang isa pang ROF ay magtatapos sa katapusan ng buwan ngayong July.

“Kapag bibilangin natin mayroon lamang kaming 6 LSIs at 2 ROFs ngunit safe silang lahat,” sabi ni Tanjilani.

Samantala, ang bayan naman ng Narra ay nananatili ring zero COVID cases ngayon sa kabila ng maraming bilang na arrival simula noong Abril na LSIs at ROFs.

Sa huling bilang ng Narra, 97 na LSIs at 4 ROFs ang naka-quarantine ngayon sa kanilang mga facility at habang kinokumpleto ang required 14 days quarantine sa mga ito.

“Sa figure natin mayroon tayong total 101 na nasa required 14 days, LSIs at ROF. Sila na lang ang nasa facility natin ngayon, zero COVID parin tayo sa Narra,” ayon kay Narra incident management team commander Kristian Vergara.

 

About Post Author

Previous articleNFA stocking up more palay
Next articleDesignation of “Frontliner’s Day” proposed
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.