Umabot na sa bilang na 7,622 ang mga indibidwal na nabakunahan ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Sofronio Española sa taong 2021.

Sa huling ulat na inilabas ng MHO noong Disyembre 29 ng nagdaang taon, ang nasabing bilang ay 29.76 porsiyento lamang ng kabuuang target herd immunity ng bayan.

Nakapagbakuna noong taong 2021 ang munisipyo ng Sofronio Española ng kabuuang 7,662 o nasa 29.76 na porsyentong bilang na mga fully vaccinated mula ng isagawa ang pagbabakuna noong buwan ng Hulyo 2021 sa buong bansa, batay sa consolidated report na inilabas ng MHO, December 29.

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, hepe ng MHO, isa sa mga maaaring dahilan kung bakit mababa pa rin ang bilang ng nabakunahan na ay mayroon pa ring mamamayan ang hindi pa rin bukas ang isipan sa pagpapabakuna at ang kahalagahan nito para malabanan ang COVID-19.

- Advertisement -

“May iilan pa ring hindi willing magpabakuna talaga, maraming arrival ng bakuna, pero may iba pang ayaw magpabakuna,” sabi niya, Enero 1.

Habang mayroong 9,418 na ang nabigyan ng kanilang first dose bandang buwan ng Disyembre 2021 kung saan magsi-second dose ito bandang buwan ng Enero na siya namang makakadagdag sa 2021 fully vaccinated total.

Ani ni Tingson, halos hindi pa umaabot sa kalahati ang bilang na ito para sa taong 2021 para sa target na 70 percent ng total population ng bayan kung saan mayroon itong nasa 37,000 na bilang ng population sa ngayon.

Samantala, upang maabot ang 70 percent na target nito, magpapatuloy pa rin ang massive vaccination ng kanilang tanggapan sa loob ng siyam na barangay na siyang magiging malaking tulong nito upang maabot ang target na babakunahang populasyon.

Patuloy na paalala ni Tingson sa lahat ng mamamayan na lumahok sa pagpapabakuna lalong-lalo na ang mga senior citizens at mga kabataan o pediatric population na tumanggap ng kanilang kompletong bakuna.

Previous articleNew Year tahimik na sinalubong ng mga mamamayan ng San Vicente
Next articleMga kalsada sa San Vicente na nasalanta ng bagyong Odette, maari nang madaanan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.