Isang bakery crew ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon, Marso 15, dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Purok Masigla, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Sa ibinahaging spot report ni P/Lt. Col. Alonso Tabi, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), ang inaresto ay kinilalang si Brington Ompad Bereño, alyas Tonton, 24, residente ng Golden Valley, Brgy. Sicsican, dito sa lungsod.

Siya ay inaresto matapos makabili sa kanya ang isang undercover agent ng heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na 0.05 gramo ang timbang sa halagang P200. Nakumpiska rin mula sa kanyang pag-iingat ang ilang pera, cellphone, at motorsiklo.

Siya ay nasa kustodiya ng pulisya.

- Advertisement -

Previous articlePN, PCG assist Filipino fishing boat after running aground in Pag-asa Island
Next articleDILG lauds provincial government’s anti illegal drugs program