Ang bakanteng lote sa bahagi ng Peneyra Road, Barangay San Pedro kung saan makikita ang mga L-shaped culvert na ito na diumano ay ginagawang tambayan ng mga kabataan. (Contributed photo)

Isang bakanteng lote sa Peneyra Road, Barangay San Pedro sa lungsod ng Puerto Princesa ang inirereklamo ng isang concerned citizen dahil sa madalas daw itong tinatambayan ng ilang mga kabataan sa gabi.

Ayon sa sumbong ng isang concerned citizen, ilang mga kabataan ang kanilang madalas nakikita sa lugar sa likod ng City Coliseum, mga kababaihan at kalalakihan na madalas umanong naglalagi dito, na hindi mapapansin dahil na din sa madilim ang lugar pagsapit ng gabi.

Mayroon diumano itong mga L-shaped culvert at doon tumatambay ang mga kabataan.

“Gusto ko lang sana mapansin yan ng mga kawani ng barangay sa San Pedro at ng Anti-Crime Task Force (ACTF). Dahil hindi po maganda tingnan at public place pa po ito. Plus baka mga minors pa po sila,” pahayag ng concerned netizen.

Sabi ng mga nakatira sa lugar, wala silang napapansing mga tumatambay dito, pero paglilinaw nila maraming mga kabataan sa katabing bakanteng lote na posibleng lumilipat sa lugar dahil sa mas tago ito at hindi pansinin.

Ayon pa sa sumbong, marami rin silang nakikita na rubber protection na nagkakalat sa lugar.

Sa pahayag ni Barangay San Pedro Children Welfare for Protection Coordinator Joyce Madamay, wala silang natatanggap na report kaugnay sa nasabing reklamo.

“Walang nag-report sa amin about diyan, sana naaksyunan sana naming agad. Ang lugar kasi na ’yan ay madilim at hindi mo talaga mapapansin kung may mga tao,” pahayag ni Mahinay.

Aniya, kung may nagsumbong sa kanila ay agad naman nilang masosolusyunan ang nasabing problema dahil hindi umano ito tama lalo na kung ang mga sangkot ay mga kabataan.

“Laging nag-iikot ang mga barangay tanod natin. Kahit ang lugar na ‘yan naiikutan yan. Agad-agad, titingnan natin babalikan namin ang lugar na yan para makita namin talaga, kasi mahirap ito, lalo na mga kabataan ang sinasabing involve, kailangan tutukan,” dagdag niya.

Nangako naman ang hepe ng ACTF na si Richard Ligad na tutulungan nila ang San Pedro para manmanan ang lugar upang hindi na ito gawing tambayan.

Aniya, concern ng barangay ang lugar at dapat naitawag ang problema sa barangay.

“Concern yan na pang barangay level, dapat naitatawag sa barangay. Pero titingnan natin yan, at tutulungan natin ang barangay na mabantayan ang lugar na yan,” sabi ni Ligad.

About Post Author

Previous articleDuterte wonders why expiration of face shield matters
Next articleCommission on Elections to announce decision on voter’s sign-up extension Wednesday
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.