Ang inspeksyon na isinagawa ng LGU Culion sa gagawing bahay tuluyan nito sa barangay Culango (Larawan mula sa Culion LGU)
- Advertisement by Google -

Nakatakdang buksan sa bayan ng Culion ang isang Bahay Tuluyan project na naglalayon na mayroong magamit na tirahan ng mga bisita, ganoon din kung may emergency.

Noong July 20, sa direktiba ni Culion Mayor Virginia De Vera, ay isinagawa ang inspeksyon sa gagawing Bahay Tuluyan sa Barangay Culango. Pinangunahan ang gawain ni municipal administrator Maxim Raymundo.

Ang nasabing inspeksyon ay upang tiyakin na maayos at ligtas ang lugar na ito.

- Advertisement -
(Larawan mula sa Culion LGU)

Tuloy-tuloy ang pagsasaayos at pagpapaganda ng magiging Bahay Tuluyan upang komportable itong matuluyan ng mga maaaring gumamit nito.

“Ito ay para sa ating mga kababayan na nagpapagamot sa ospital na walang matuluyan sa poblasyon habang nagpapagaling ang kanilang kaanak. Ito ay malaking kaluwagan sapagkat mababawasan ang gastusin at mapapagaan ang kanilang pananatili dito sa bayan,” sabi ni De Vera.

Ang nasabing programa ay nakapaloob sa priority programs ng LGU sa Culion na ay kinalaman sa mga social services na ninanais ng nasabing alkalde.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleAppellate court affirms denial of SSS death claim of 3-time widow
Next articleSangguniang Panlalawigan seeks creation of two DepEd schools division office
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.