(Photo courtesy Dweine Dalag)
- Advertisement by Google -

Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Taytay ang sunog na sumira sa isang bahay Sabado ng gabi sa Purok 6, Barangay Poblacion.

Ayon kay BFP Taytay SFO1 Rizaldy Puche, tuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon sa pagkasunog ng bahay na pagmamay-ari ng residente na si Danilo Cuerba bandang alas diyes ng gabi noong June 13.

Sabi ni Puche, nasa mahigit P70,000 ang halaga ng sinira ng apoy.

“Konti na lang ang naabutan natin — natupok na halos ang bahay kasi mabilis lang itong kinain ng apoy gawa ng light materials ito,” pahayag niya.

Walang naiulat na nasaktan sa nangyaring sunog.

- Advertisement -

 

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleOnline seller at van driver, huli sa buy-bust sa Bataraza
Next articleCity begins demolition of structures in Brgy. Matahimik-Bucana