Wasak ang isang bahay sa Purok 3, Barangay Maasin, sa bayan ng Brooke’s Point, matapos itong mabagsakan ng malaking puno ng mangga ngayong araw, January 28, dahil na sa malakas na hangin at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Wala namang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente dahil agad na nakalikas ang pamilya, at nakahingi ng tulong sa mga kawani ng Brgy. Maasin.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang clearing operation ng pamahalaang lokal sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)

Samantala, pinag-iingat naman ni Brooke’s Point Mayor Cesareo R. Benedito Jr. ang mga residenteng nakatira sa malapit sa mga ilog, bundok, at malalaking puno na may posibilidad na mabuwal.

“Sa mga kababayan natin na nakatira sa malapit sa mga ilog, bundok at maymalalaking puno na posibleng mabuwal, mag-ingat po tayo, maging alerto lalo na ngayon tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan,” ayon kay Benedito.

About Post Author

Previous articleCapitol defends seal change, claims it is to establish identity
Next articleDSWD namigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagbaha sa Brooke’s Point
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.