SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Tinupok ng apoy ang isang bahay dakong alas kwatro ng madaling araw ng Martes (March 24) sa Sitio Malangse, Barangay Panitian sa bayan ng Española.
Ayon sa impormasyon ni kapitan Fred Gatungay, pagmamay-ari ng pamilyang Monton ang bahay na gawa sa ‘light materials’ kung kaya naman mabilis na inubos ng apoy at halos walang naisalbang gamit. Tinatayang nasa sampung libo ang halaga ng nasunog na ari-arian ng mag-asawa.
“Halos walang naisalba sa kanilang bahay talagang inubos ng apoy ang bahay nila dahil light materials kaya mabilis ang kain ng apoy doon,umalis kasi sila nung oras na yun,”sabi ni kapitan Fred Gatungay.
Ayon sa imbestigasyon ng barangay kay Mrs Gelyn Monton, umalis sila noong gabi na ‘yon at natulog sa bahay ng kanilang tatay. Naiwanan daw umano na may apoy pa sa kanilang pugon na hinihinalang naging dahilan ng pagkasunog.