Isang bahay ang tinupok ng apoy sa Purok Daisy sa Barangay Maunlad, dakong 10:34 ng umaga ngayong Huwebes, Marso 3.

Walang nasaktan sa insidente, ngunit ang aso na nakatali sa isang gilid nito ay kasamang nasunog.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Gayo Lapore, na wala nang mangyari ang sunog. Ang bahay ay inuukupa pansamantala ng kanyang anak na si Samuel Lapore, ngunit wala rin ito nang maganap ang sunog.

- Advertisement -
Makikita sa larawan ang isang personnel ng Bureau of Fire Protection-Puerto Princesa City Fire Station habang nagsasagawa ng inspeksyon sa sunog sa Barangay Maunlad ngayong Marso 3, 2022.

“Wala siya dito, naglaot daw. Ang aso niya na nakatali sa gilid yun ang nasunog. Nasa P10,000 ang estimated damage cost nito na posibleng tumaas pa kapag nakapag-submit ng affidavit of loss ang may-ari,” pahayag ni C/Insp. Nilo T. Caabay, Jr., fire director ng Bureau of Fire Protection-Puerto Princesa City Fire Station.

“Pagdating namin, fire under conrol na. Ang first responder ay ang Petron Depot Fire Brigade, at 10:57, fire out na rin,” dagdag niya.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng BFP-PPCFS sa naging sanhi ng naganap na sunog.

Maliban dito, isang sunog din ang naunang naganap sa nasabing barangay kaninang madaling-araw.

“Bandang 1:00 pasado kaninang madaling araw ang sunog. Late reported na siya sa amin, pero minimal lang yun, outlet lang ang nasunog pero kasama na siya sa structural fire sa ngayong month ng March,” ani Caabay.

Ito na ang ikalawang naitalang sunog ngayong buwan ng Marso na itinalaga bilang Fire Prevention Month.

Previous articleSK chairman ng Sta. Monica pinaalalahanan ang mga kabataan vs ilegal na droga at iba pang bisyo
Next articleBrgy. Sicsican candidate Abegail Camias crowned Binibining Seksi 2022
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.