Jul 14, 2020

Bahay nasunog sa bayan ng Narra

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Narra ang bahay ay pagmamay-ari ni Edna delos Angeles.

Isang bahay ang tinupok ng sunog sa Carandang Road, Barangay Panacan II bayan ng Narra ala una ng hapon, Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Narra ang bahay ay pagmamay-ari ni Edna delos Angeles.

Sabi ni F01 Mark Daniel Galicia, ang duty comel ng BFP sa naturang bayan, nagsimula ang sunog 1:03 ng hapon. Naitawag ito kanila bandang 1:09, at nadeklara namang fire out ng 1:30 ngunit natupok pa rin ang buong bahay dahil gawa ito sa light materials.

Wala namang naitalang nasaktan dulot ng insidente.

Sabi ni Galicia, iniimbestigahan pa nila ang dahilan ng sunog.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry