Ang daang gumuho sa Sitio Rizal, Barangay Tiza sa bayan ng Culion sa ipapaayos ng Culion MDRRMO. (Larawan mula sa Culion MDRRMO)

Naayos na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Culion ang bahagi ng gumuhong lupa sa Sitio Rizal, Barangay Tiza, noong araw ng Huwebes, September 23.

“Agad natin itong pinuntahan at tinanggal natin ang mga barang lupa sa drainage ito ay upang maging maayos ang daloy ng tubig sa kanal. Kapag hindi ito masulosyonan, lagi itong babaha sa area,” pahayag ni Richard Novelo, ang pinuno ng Culion MDRRMO.

Nagbigay din ang MDRRMO ng mahigit 45 bags ng semento upang magawaan ng riprap ang itaas na bahagi ng lupa para hindi na muling gumuho.

“Tinurn-over na natin sa barangay ang semento at ibibigay ito doon sa may-ari ng lupa sa taas na maayos nila ang taas at hindi gumuho ang lupa sa drainage at sa kalsada,” ayon pa kay Novelo.

- Advertisement -

Sa report MDRRMO, gumuho ang lupa mula sa bahaging itaas ng lugar na pag-aari ng isang residente, at nahulog ito sa drainage sa gilid ng kalsada ng Sitio Rizal na naging dahilan ng pagbara sa kanal kaya umapaw ang tubig ulan at umabot sa kalsada.

“May mga tipak ng lupa ang gumuho mula sa taas na pagmamay-ari ng isang tao, yon ang nahulog sa drainage natin, na naging dahilan din ng pagbara sa kanal. Malakas ang ulan noong Miyerkules,” paliwanag ni ni Novelo.

Dagdag niya, madalas gumuguho ang lupa sa lugar dahil wala itong sapat na harang na semento kaya sa tuwing malakas ang buhos ng ulan, nalalaglag ito sa bahaging iba ng kalsada.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay Gilbert Ferriol, kapitan ng Barangay Tiza, sinabi nito na ang solusyon ay magkaroon ng riprap sa taas na bahagi ngunit wala pa silang sapat na pondo para ipagawa ito.

“Salamat sa MDRRMO sa ibinigay na semento. Wala nang motorista ang magsasakripisyo sa daan na ito kapag may mga landslide sa bahaging ito,” pahayag ni Ferriol, Linggo, September 26.

Previous articleIsang lalaki sugatan, isa pa nasawi sa pananaksak
Next articleMagellan voyage’s quincentennial marker unveiled in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.