Bahagyang nasunog ang storage area ng kumpanyang Du Ek Sam sa national highway, Barangay Problacion sa bayan ng Narra umaga ng Biyernes, Pebrero 5.

Ayon kay SFO1 Anabelle Medilyn, chief of fire arson investigation section ng Narra Fire Station, maliit lang ang naganap na sunog sa nasabing establisyemento na ang dahilan ay sigarilyong may sindi na itinapon.

“Mga 10:56 ng umaga ng matanggap namin ang tawag, 10:57 dumating kami sa lugar, nag-declare agad kami ng fire under control at pagdating ng 10:59 nag-declare na kami ng  fire out,” ani Medilyn.

 

 

“Ni-review namin ang CCTV, may tatlong empleyado ang huling nakita sa storage area na nanigarilyo bago nangyari ang sunog,” saad ni Medilyn.

Ipinagbabawal ang paninigarilyo sa storage area kung saan nangyari ang sunog, Masuwerte rin na agad naapula ang apoy, kaya naman hindi na kumalat.

Umabot sa P10,000 ang halaga ng tinatayang damage ng sunog.

“Wala namang kakasuhan, pero bukas kakausapin na lang sila ng boss nila regarding sa incident,” ani Medilyn.

 

About Post Author

Previous articleLola, patay sa vehicular accident sa Roxas
Next articlePalawan COMELEC denies dismantling ‘No to Division’ campaign materials in Culion