Dumating na ang bagong unit ng vacuum pump o siphoning truck na binili ng General Services Office (GSO) ng pamahalaang panlalawigan noong November 2.

Ayon kay Mercy Bontao, GSO officer-in-charge, isa sa pangunahing layunin sa pagbili nito ay upang mayroong magamit sa pagsipsip ng mga septic tank o poso negro nito, partikular na sa Palawan Provincial Jail (PPJ) na may higit na pangangailangan.

Aniya, dahil dito ay hindi na kailangang magbayad pa ng malaking halaga sa mga pribadong establisyemento na may kahalintulad na serbisyo sa pagsipsip ng mga septic tank o poso negro.

Inaasahan din na ang naturang equipment ay makapagbibigay ng karagdagang income para sa pamahalaang panlalawigan dahil pinag-aaralan din ng GSO na iparenta ito sa mga pribadong tanggapan sa lungsod na mangangailangan.

“Posible po siya, ‘yon po talaga ‘yong nilagay namin para maaprubahan kami ng province kasi pwede siyang gamit lang nating pansarili at the same time pagkakitaan. Kaya siya nakalusot sa body dahil siya ay pwede ring income generating at hindi lang siya self-serving equipment,” sabi ni Bontao.

Samantala, ayon kay Engr. Arnel Abid, maintenance division head ng GSO, isa rin sa dahilan kung bakit kailangang bumili ng ganitong truck ay bilang pagtalima rin sa RA 9275 o Philippine Clean Water Act ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Kahit papaano mami-mitigate natin ‘yong itinatapon nating tubig sa environment natin at least bago siya itapon…hindi man totally malinis, at least tolerable yong waste content,” sabi ni Abid.

Nagpasalamat din ang GSO sa pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa dahil sa mga nakalipas na panahon, sila ang nagpapahiram ng vacuum pump trucko siphoning truck.

Samantala, inaasahan naman na sa lalong madaling panahon ay magagamit na ang naturang equipment sakaling makumpleto ang mga kinakailangang requirement at training ng magiging operator nito.

About Post Author

Previous articleDeal only with accredited agencies, Puerto Princesa City advises tourists
Next articleMotor parts artwork ng isang mekaniko sa Quezon, patok sa social media
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.