Ang bagong public terminal sa Barangay Pulot Center, Sofronio Española. Larawan mula kay Gelen Acoy

Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Sofronio Española ang bagong public terminal sa Barangay Pulot Center, nitong araw ng Miyerkules, Pebrero 23.

Ang terminal ay pinondohan ng halagang P1 million mula sa 20 percent development fund ng bayan.

Ayon kay mayor Marsito Acoy, ang terminal na bahagi ng development projects ng pamahalaang lokal ay malaki ang maitutulong sa mga mamamayan at mga biyahero dahil ngayon ay mayroon ng lugar ng sakayan at babaan ang mga bus, shuttle van, at maging ang mga tricycle.

Larawan mula kay Gelen Acoy

“Mahirap, kasi dati wala tayong terminal talaga, nasa highway lang. Ngayon may lugar na kung saan sasakay at bababa ang mga pasahero,” pahayag ni Acoy.

“Bago magtapos ang aking termino bilang mayor, may mga development projects pa sa ating bayan ang nakatakdang papasinayaan para sa kapakinabangan pa ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

Dumalo sa pagpapasinaya ang ilang mga opisyal at department heads ng pamahalaang lokal at ilang opisyales ng mga barangay.

Previous articlePangolin handed to ACTF in Balayong Park, porcupine seized in Coron rescued by PCSDS
Next articleDahil sa kalasingan, magsasaka tinaga ang kanyang pamangkin sa Narra
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.