Si Mayor Mark Delos Reyes kasama ang ilang opisyal ng LGU sa groundbreaking ng palengke sa bayan ng Cuyo. (Larawan mula sa Estra Viva Cuyo fb page)

Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong public market ng bayan ng Cuyo, matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony noong araw ng Biyernes, Pebrero 11.

Ang nasabing palengke ay itinatayo sa bahagi ng municipal complex sa Barangay Lungsod (Poblacion), na ayon kay Cuyo mayor Mark Delos Reyes, ay bahagi ng pagsisiguro ng pamahalaang lokal na magkaroon ng maayos at malaking pamilihan sa kanilang bayan upang maging maginhawa ang sitwasyon sa mga nagtitinda at mga mamimili.

“Mas maganda na, mas malaki ang palengke natin, mas convinient sa mga kababayan natin. Bahagi ito ng development sa ating bayan,” pahayag ni Delos Reyes, Pebrero 15.

“After ng groundbreaking ay nagsimula na agad ang pagpapatayo nito at masaya tayo na malaki ang magiging pakinabang ito sa lahat,” dagdag niya.

- Advertisement -

Aniya, ang gusali ay may kabuuang pondo na P30 million mula sa 20 percent development fund at loan ng lokal na pamahalaan sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Samantala, malapit na ring matapos ang proyektong MDRRMO Warehouse ng pamahalaan, na itinatayo rin sa nasabing municipal complex.

Previous articleCity ENRO’s housing project to help rebuild 100 homes in Odette-hit barangays
Next articleMBLT-3 nagsagawa ng coastal cleanup sa Roxas upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.