Sa mensahe ni El Nido Mayor Edna G. Lim, sinabi nito na ang pagtatayo ng bagong municipal hall ay proyekto ng gobyerno para sa bayan mula sa buwis ng taumbayan. | Larawan mula sa LGU-EL Nido

Sinisimulan na ang konstruksiyon ng bagong municipal hall ng bayan ng El Nido, matapos ang groundbreaking ceremony nito noong nakaraang Pebrero 11.

Ang groundbreaking ceremony nito ay pinangunahan mismo nina Mayor Edna G. Lim at 1st District Palawan Rep. Franz Josef George Alvarez kasama ang iba pang mga opisyales ng nasabing bayan.

“Ika nga nila, may oras ang lahat ng bagay. 1984 pa naitayo ang ating Municipal Building, at ito na ang hinihintay nating oras upang bigyang daan ang pagbabago ng ating gusali. Ito ay proyekto ng ating gobyerno para sa bayan mula sa buwis ng taumbayan,” ayon sa mensahe ni Lim sa isinagawang groundbreaking ceremony.

Ang municipal building ay pinondohan ng pamahalaang bayan ng El Nido ng mahigit P40 milyon at doon din mismo sa kinatatayuhan ng lumang building ito itatayo. (PIA-MIMAROPA, Palawan)

- Advertisement -
Previous articleLimang lalaki arestado sa iligal na sugal
Next articleTourism department backs vaccine passport for tourism recovery