Ang bagong gusali ng bayan ng Dumaran

Pinasinayaan ang bagong gusali ng pamahalaang bayan ng Dumaran noong Biyernes, Hunyo 4.

Ang gusali ay itinayo sa loob ng humigit-kumulang tatlong taon na sinimulan sa termino ni dating mayor Medwin C. Pablico na ngayon ay nakaupong bise mayor.

Pinangunahan naman ni mayor Arnel Caabay ang pagpapasinaya ng bago at ikalawang gusaling pambayan na siya ngayong gagamitin ng iba’t-ibang departamento ng pamahalaang bayan para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Partikular na gagamit ng nasabing gusali ang Municipal Planning and Development Coordinator’s Office,  Municipal Assessor’s Office, Municipal Agriculture’s Office, Municipal Accounting Office at Municipal Social Welfare and Development Office.

Previous articlePAGASA says it is start of rainy season
Next articlePSU, US Embassy ink partnership for American Corner resources
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.