Ang Roxas Operation Center ng Rescue 165 sa Magara Roxas, Palawan na pinasinayaan, Nobyembre 9. /PIO Palawan facebook post

Pinasinayaan na ng pamahalaang panlalawigan ang bagong tayong gusali ng Palawan Rescue 165 Roxas Operations Center na matatagpuan sa Barangay Magara sa bayan ng Roxas sa bahaging norte ng probisyan noong November 9.

Ayon kay Richristopher Magbanua, Rescue 165 program manager, layon nitong palawakin ang serbisyo at mabilis na emergency response sa mga Palawenyong nangangailangan ng tulong sa panahon ng trahedya, kalamidad, at marami pang iba sa northern Palawan.

Pahayag pa niya, napili ang bayan na pagtayuan ng naturang operations center dahil sa accessibility nito sa iba’t ibang munisipyo sa norte gayundin sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan kadalasang dinadala ang mga pasyente.

“Napakaganda ng serbisyo ng Palawan Rescue 165 kaya hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy ni Gob. (Victorino Dennis) Socrates at alam naman natin, malaking tulong sa ating mga mamamayan lalo’t higit dito sa northern Palawan itong Rescue 165,” pahayag niya.

“Ito ‘yong area kasi na malapit sa mga komunidad na puwedeng tawagan lang na mabilis na access, malapit sa highway, mabilis makapagresponde at malapit din sa lungsod ng Puerto Princesa na pwedeng dalhin ‘yong mga pasyente natin na kailangang i-transfer [sa bayan ng Roxas] pero partikular kahit sa Roxas ito, pag mayroong mga pasyente na emergency talaga, eh tumatakbo din ito ng Taytay at Dumaran,” dagdag pa ni Magbanua.

Sa mensahe naman ni Christian Albert Miguel, Executive Assistant III ni Governor Socrates, bilang kinatawan sa programa, binigyang diin nito ang mahalagang gampanin ng Palawan Rescue 165 sa bawat Palawenyo.

Sa pamamagitan nito, ayon sa kanya, ay mailalapit ng gobyerno ang iba’t ibang serbisyong dapat maibigay.

“Kami ay naniniwala sa malaking gampanin at tungkulin ng Palawan Rescue 165 bilang isang pro-active na rescue unit na may sapat na equipment at pasilidad na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng ating kapwa Palaweño. Sa panahon ng mga sakuna, magagamit ang bagong operation center na ito… Umaasa kami na higit nating mailalapit ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayan na nagmumula pa sa malalayong komunidad,” pahayag ni Miguel.

Ang Palawan Rescue 165 ay naitatag noong taong 2013 upang magsilbing operation unit sa bawat munisipyo na may layuning tumugon sa pangangailangan ng mga Palaweño partikular sa mga aksidente at sakuna.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa PNP, inihahanda ng ang kaso vs suspek sa hit and run sa Brgy. San Rafael
Next articleSan Vicente surfing tilt returns in January next year
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.