Malapit nang mapakinabangan ng mga taga munisipyo ng Cuyo ang proyektong farm-to-market road sa bahagi ng Barangay Lungsod ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal.

Ang Lungsod-Lagaoriao Road ay may pondo na mahigit P14 milyon at inaasahang matatapos sa loob ng apat na buwan o sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Cuyo mayor Mark Delos Reyes, ito ay naglalayong magkaroon ng maayos na kalsada ang mga residente na makakatulong sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan, katulad ng pagdadala ng kanilang mga produkto patungong pamilihan.

“Kapag maganda na ang daan, hindi na sila mahihirapan, mas mapapabilis ang kanilang mga lakad, at ito ang pangarap ng ating pamahalaan na i-upgrade ang ating mga daan,” sabi ni Delos Reyes.

Ipinahayag din ni Delos Reyes na tugon ito sa damdamin ng mga residente na magkaroon ng kalsada papunta sa lugar ng kalakalan.

Samantala, noong huling linggo ng Pebrero, sinimulan ang konstruksyon ng food park building sa bahagi ng Brgy. Tenga-Tenga na sariling proyekto at pondo ng pamahalaang lokal na naglalayong maging sentro ng bilihan ng mga produktong pagkain, mga lutuin, at iba pa.

About Post Author

Previous articleDating nakulong dahil sa ilegal na droga, inaresto sa buy-bust sa Bataraza
Next articleTakas na detenido sa prov’l jail, isinuko ng sariling ina sa Capitol
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.