Ang boat landing na inilagay sa barangay Binudac na natapos noong Hulyo 29 at ngayon ay napapakinabangan na ng komunidad.(Larawan mula sa Culion Information)

Mapapakinabangan na ng mga residente ng Culion ang bagong boat landing sa Sitio Canimango sa Barangay Galoc matapos makumpleto na ang konstruksyon nito noong huling linggo ng Hulyo.

Ang proyekto ay pinondohan ng P1,482,984.12 sa ilalim ng 20% Development Fund ng bayan.

Ang proyekto ay bahagi ng mga programang imprastraktura ng pamahalaang lokal sa ilalim ng pamumuno ni Culion Mayor Maria Virginia De Vera upang magkaroon ng komportableng daungan ang mga maliliit na bangka sa nasabing barangay at magiging sentro din ng mga mangingisda sa kanilang mga produktong isda at marami pang iba.

“Isang proyektong mag-uugnay sa mga sitio at karatig barangay kung saan, hindi na mahihirapan ang maliliit at malalaking bangka sa pag daong upang maghatid ng mga produkto para sa mabilisang kalakalang lokal at sa madaliang pag diskarga ng mga ibinababang produkto,” pahayag ni De Vera.

Samantala, bahagi din ng magandang programa ng pamahalaang lokal sa bayan na ito ang magkaroon ng malinis na tubig sa komunidad kung kaya’t noong Agosto 4, inatasan nito si Maxim Raymundo, ang municipal administrator ng munisipyo, upang magsagawa ng pag inspeksyon, kasama ang Municipal Engineering Office (MEO) sa Barangay Binudac para suriin ang watershed location na posibleng maging water source.

Layon nitong makakuha ng mahalagang datos para sa planong maglagay ng water source dito na mayroong malaking kapasidad na magsusuplay ng tubig sa naturang barangay at kahi pa’t panahon ng taginit.

“Ang pagkakaroon ng malinis na tubig ay isa sa mga problema sa malalayong barangay ng Culion. Ito ay bibigyang tugon upang makapagbigay ng sapat na supply ng tubig sa ating mga kababayan na hindi naabot ng serbisyo ng Culion Water District,” dagdag ni De Vera.


ADVERTISEMENT

Lahat ng okasyon, pwedeng-pwede 'yan dito !
Tara na sa #Eatadakimasu 
๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜†, ๐—ฆ๐—ฒ๐˜, ๐—˜๐—”๐—ง๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚!๐Ÿฅข 
๐Ÿ•™ Weโ€™re open ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฑ๐—ฎ๐˜† from ๐Ÿด๐—ฎ๐—บ ๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐—บ๐—ป
๐Ÿ’ฌ We also serve your favorite ala carte menus such as ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ, ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ผ๐˜…๐—ฒ๐˜€ & ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐˜๐—ผ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€! ๐Ÿฃ๐Ÿฑ๐Ÿ›
๐Ÿ“ฒ ๐…๐จ๐ซ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ:
Globe: +639171197954
SMART:  +63 949 886 7346
PLDT: 7175844
๐Ÿ“๐–๐ž'๐ซ๐ž ๐ฅ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ž๐ ๐š๐ญ:
Mercado de San Miguel Unit 12-14, P.P.C. (right in front of the new Puerto Princesa International Airport)
#readyseteat
#readyseteatadakimasu
#Eatadakimasu!

About Post Author

Previous articlePagpapatitulo ng mga lupain sa Busuanga, sosolusyunan ng Rapid Land Tenure Appraisal
Next articlePuerto Princesa joins 70.3 Ironman Philippines exhibit in Cebu City
is the news correspondent for Sofronio Espaรฑola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.