Ang bagong barangay hall ng Bunog, Rizal na pinasinayaan kamakailan (Larawan mula kay Ed Boboy Monte)

Pormal na pinasinayaan kamakailan ang bagong barangay hall ng Bunog sa bayan ng Rizal na naitayo sa pamamagitan ng 20 percent development fund nito.

Ang gusali na mayroong dalawang palapag ay pinasinayaan noong Setyembre 3. Ang pondo ay inilaan noong panahon ni Vice mayor Norman Ong bilang alkalda, na ipinagpapatuloy ngayon sa administrasyon ni Mayor Otol Odi.

Ito ay may nakalaang tanggapan para sa Sangguniang Barangay at Punong Barangay, at pasilidad para sa mga bisita tulad ng palikuran.

Dumalo sa inagurasyon ang ilang mga opisyal ng Brgy. Bunog sa pangunguna ni kapitan Reynaldo Cortaje at ng ilang miyembro ng Sanguniang Bayan kabilang sina kagawad Zaldy Magbanua, Babes Ocampo, at Ong.

- Advertisement -

Sa mensahe ni Ong, pinasalamatan nito ang opisyales ng barangay sa patuloy na pagbibigay ng kalidad na serbisyo sa kanilang komunidad.

“Ako ay sumasaludo sa inyong lahat, mga opisyal at volunteers ng Brgy, Bunog. Pinatunayan ninyo na sa pagtutulungan, walang imposible sa mga pangarap para sa bayan,” pahayag niya.

Previous articleCapitol seeks to recruit additional medical professionals for upcoming hospitals
Next articleTen Knots Group wins Pacific Asia Travel Association 2021 gold award
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.