Ang bagong barangay hall at birthing home clinic sa Barangay Iraray sa Sofronio Española,

Magkasabay na pinasinayaan ang bagong barangay hall at birthing home clinic sa Barangay Iraray sa Sofronio Española, noong Huwebes, September 23.

Ang dalawang gusali ay naipatayo sa pamamagitan ng pondo mula sa 20 percent development fund ng lokal na pamahalaan

Ayon kay Mayor Marsito Acoy, ang proyektong nabanggit ay bahagi ng isang uniform project para sa lahat ng siyam na barangay para magkaroon ng two-storey building ng barangay hall na iisa lamang ang disenyo.

Ang barangay hall ng Iraray ang pinakahuling gusali na pinasinayaan ngayong taong 2021 samantalang fully operational at nagagamit na ng walong iba pang barangay ang kanilang bagong barangay hall.

- Advertisement -

“Lahat ng barangay natin, isa lang ang disenyo nito na pinondohan mula sa development fund natin. Gusto kong mapalitan na ang mga lumang gusaling pang-barangay natin,” pahayag ni Acoy.

Samantala, malaking tulong naman para sa mga babaeng buntis ang bagong gusaling paanakan ng barangay.

“Ang birthing home na ito ay para sa mga kababaihan natin na buntis upang hindi sila mahihirapan at upang may tahanan sila kung saan mababantayan sila at maaalagaan ng ating mga midwife,” dagdag ni Acoy.

Pinasalamatan naman ni punong barangay Delfin Asil ang lokal na pamahalaan sa mga proyektong ipinagkaloob sa kanilang barangay. Ayon kay Asil, malaking tulong at pakinabang para sa kanila lalo na ang pagkakaroon ng bagong gusaling barangay upang makapagserbisyo ng mas malaki at mas maayos sa kanilang komunidad.

Previous articleDuterte admin made 600 kilometers road, constructed 15 hospitals in Palawan
Next articleRazon group mulls majority control of PALECO via joint venture
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.