Patay ang isang backhoe operator matapos itong mahulog sa ilog na may humigit kumulang 100 metro ang lalim sa Malatabon River, Sitio Cayasan, Barangay Nicanor Zabala, sa bayan ng Roxas, hapon ng December 13.

Kinilala ang 66 anyos na lalaki na si Felix Hurbuda, operator ng backhoe na pag-aari ng provincial government sa isinasaayos na kalsada sa nasabing barangay.

Sinasabing nadulas ang inooperate nitong backhoe, at diretsong nahulog sa ilog habang pinatatakbo sa ginagawang daan.

Sinubukan pa umanong marescue ng dalawang kasamahan nito ang lalaki, ngunit bigo itong matagpuan.

Agad namang inihingi ng tulong ang nangyari kay Hurbuda sa lokal na pamahalaan ng Roxas at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na mabilis din na rumesponde sa pangyayari.

Natagpuan ang katawan ni Hurbuda bandang alas sais ng umaga kinabukasan, December 14, ilang metro ang layo mula sa backhoe na nakalubog sa ilog.

About Post Author

Previous articleSupplemental budget para sa performance-based bonus at iba pa, inaprubahan na
Next articleMotorista, patay matapos mabangga ng bus sa Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.