Isang babae na wanted sa kasong estafa ang inaresto ng awtoridad sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, dakong 2:00 ng hapon nitong araw ng Lunes, Abril 18.
Ang suspek ay kinilalang si Liza Molinar Rezare, 47 taong gulang.
Si Rezare ay inaresto ng mga operatiba ng Police Station 1 (PS 1) sa bisa ng warrant na may petsang Marso 23, 2022, at inilabas ni Judge Maria Rowena P. Socrates ng Branch 1 ng Puerto Princesa Municipal Circuit Trial Court sa kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 2(1) ng Revised Penal Code as amended by Section 85 of Republic Act 10951 at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P18,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Hindi binanggit sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa pamamagitan nang tagapagsalita nito na si P/Lt. Col. Salvador Tabi kung sino ang biktima ni Rezare at magkano ang halaga ng kanyang na-estafa.
Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng PS 1 para sa kaukulang disposisyon.
