Inirekomenda ng tanggapan ng provincial prosecutor na sampahan ng kasong falcification of documents sa korte ang isang indibidwal na inireklamo ng panloloko ng kanyang naka-transaksyon.

Ang suspek na kinilalang si Irish Cervantes ay unang inireklamo ni Najib Abdulfattah sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2021 matapos na umano’y hindi sumunod sa kanilang napagkasunduan sa pagbayad ng pagkakautang nito, at pagpapadala ng pineke na bank transaction mula sa bayan ng Quezon.

Ayon kay Abdulfattah, Disyembre ng taong 2020 ng magsimula ang kanilang transaksyon kung saan unang nangutang si Cervantes ng P200,000 sa pamamagitan ng GCash. Pagkatapos nito ay nakabayad si Cervantes ng P156,000 sa pamamagitan ng bank transaction.

Nangutang itong muli ng P175,000 sa kapareho din na buwan at taon sa pamamagitan ng GCash kaya ang utang ay umabot ng P225,000 kasama ang tubo. Nagbayad ito ng P175,000 ng kabuuang utang, ngunit mayroong balanse na P50,000 na naiwan.

- Advertisement -

Sabi ni Abdulfattah, muli itong nangutang ng P175,000 noong Disyembre 29 ng kapareho rin na taon. Subalit hindi na ito nakabayad, kaya ang kabuuang utang ni Cervantes ay P235,340 kasama na ang tubo.

“December 17, lumapit siya sa akin para magpa cash-in (GCASH) ng P200,000 para gagamitin niya sa kanyang seafood business. December 22, 2021, nagbayad naman siya ng P156,000 sa RCBC account ko from FCB Quezon branch. Tapos nagpa-cash in ulit siya ng P175,000. Kasama na ang tubo at ang balance niya umabot ng P225,000,” pahayag ni Abdulfattah kahapon, Pebrero 4, sa Palawan News.

“December 29, nagbayad ulit siya ng P175,000 bank transfer (FCB Quezon-RCBC), pero nagpa-cash-in ulit ng P175,000.January 14, nagpadala siya ng picture ng resibo ng bank transaction niya (FCB Quezon-RCBC) na nagbayad siya ng P175,000 at January 19 ko na na check ang RCBC account ko, walang pumasok na ganoong pera. [Ang] ginawa ko pumunta ako agad sa FCB dito sa Quezon para itanong kong may transaction ba si Irish, pinakita ko ang resibo, doon ko nalaman [na] fake,” dagdag niya.

Noong Agosto 2021 ay lumapit na si Abdulfattah sa NBI para i-reklamo ang babae.

Base sa kanyang sinumpaang salaysay na isinumite ay inirekomenda ng provincial prosecutor sa pamamagitan ng resolusyon na nilagdaan ni Associate Provincial Prosecutor John Andrew M. Madrinan na sampahan ng kasong paglabag sa Article 172 kaugnay ng Article 171 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa falsification of documents si Cervantes.

Ibinasura naman ng piskalya ang reklamong estafa ni Abdulfattah dahil sa kakulangan ng probable cause.

Matatandaan na maliban kay Abdulfattah, Agosto ng taong 2021 ay dalawang indibidwal din ang lumapit sa Palawan News upang ipahayag ang ginawang panloloko ni Cervantes sa kanila matapos na hindi ipadala ang produktong binili nila sa kanya.

Isang gasoline boy din ang umano’y naloko nito sa kanilang online transaction kung saan, binentahan niya ito ng iPhone subalit matapos na matanggap ang kabayaran ay wala rin itong naipadala.

Previous articleRomblon town’s STI committee eyes projects on utilization, management of wastes from marble industry
Next articleLuck and fun for tiger tots at Toy Kingdom
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.