Babaeng nawawala, natagpuang patay sa Iwahig

Ang naaagnas na bangkay ni Juliana P. Javillana na natagpuan sa masukal na gilid ng South National Highway sa Barangay Iwahig.


Isang bangkay ng babae ang natagpuan noong Sabado, December 15, bandang alas dose ng tanghali sa Barangay Iwahig.

Kinilala ito bilang si Juliana P. Javillana, 34, at residente rin ng naturang barangay. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Iwahig sa gilid ng Kilometer 22, South National Highway.

Nakita ang bangkay ni Juliana ng kanyang live-in partner sa masukal na bahagi ng gilid ng national highway na kinilala naman na si Marvin Javillana.

Sinasabing nasa advance stage of decomposition na ang bangkay ni Juliana nang makita ng kanyang live-in partner.

Nag-request na ng autopsy mula sa Palawan Crime Laboratory Office ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 1 para malaman kung ano ang naging dahilan ng kamatayan nito, ayon kay Insp. Mark Anthony Maceda.

“Yong asawa niya rin ‘yong nag-report sa station namin at sinabi niya nga ‘yong nakita niya. Ilang araw na niya rin kasi itong hinahanap,” pahayag ni Maceda.

Aniya, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon para malaman kung anong dahilan ng pagkamatay ni Juliana. Inaalam kung nagkaroon ba sila ng pagtatalo ng live-in partner na maaaring may kaugnayan sa kaso.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...