Isang 53 anyos na babae ang namatay matapos itong mabangga ng isang motorsiklo sa Barangay Abongan, bayan ng Taytay, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Marieta Erpe Batuta, negosyante, habang ang suspek ay kinilala naman na si Gecar Cornel Romay, 27, panadero parehong residente ng lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid ng kalsada ang biktimang si Batuta ng ito ay mabangga ng motorsiklong minamaneho ni Romay.

Nagtamo ng matinding tama sa kaniyang ulo ang biktima na naisugod naman sa ospital ngunit naideklara itong dead on arrival.

Naiulat ni Wilma Jungco Capuno, kagawad ng barangay, ang pangyayari sa pulisya.

- Advertisement -

 

Previous articleQuezon PNP namigay ng bulaklak para sa mga lola at nanay para sa Valentine’s Day
Next articleNarra warns ‘kaingineros’ to stop slash-and-burn farming in Brgy. Dumagueña
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.