- Advertisement by Google -

Isang babae ang nasawi matapos barilin ng hindi nakikilalang suspek sa Barangay Panitian, Sofronio Española, dakong 8:00 noong Miyerkules ng gabi, Hulyo 6.

Ang biktima ay kinilalang si Angelica Musa, 28 taong gulang, at residente ng bayan ng Rizal.

Sa ulat ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), bibili lang sana ng softdrink ang babae sa tindahan nang lapitan ito ng isang lalaki at barilin sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktima, kung saan idinekla itong dead on arrival.

- Advertisement -

Wala pang maibigay ang Sofronio Española MPS na posibleng motibo ng suspek para barilin ang biktima at patuloy ang isinasagawang follow up operation para sa agarang pagkahuli ng suspek.

“Sa ngayon, hindi pa masabi kung ano ang posibleng dahilan pero gumagawa na kami ng paraan para mahuli ang suspek at masampahan ng kaso, through inquest proceedings,” pahayag ni P/Lt. Nollie Vergara, hepe ng Española MPS.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePump irrigation systems ipinamahagi sa mga farmers association
Next articlePDRRMO launches Listo app for disaster reporting, response
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.