Patay ang isang 56 taong gulang na babae sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa national highway na sakop ng Purok Masikap, Brgy. Inagawan kahapon, January 16.

Kinilala ang biktima na si Irmina Jamaldin na nasawi nang makabanggaan ng kanyang minamanehong Suzuki FJ110 ang motorsiklo na minamaneho ni Jerald Narido, 29, kasama ang pasahero nito na si Francisco Arol, 35, bandang 3:20 p.m.

Si Narido ay nagtamo ng pinsala sa ulo at kaliwang binti at si Arol ay ganoon din, ayon sa report ng Police Station 2.

Ayon sa report ng Police Station 2, galing Tagbarungis ang babae na patungo sana sa bayan ng Aborlan nang makasalubong ang motorsiklo ni Narido patungo sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sinasabi sa report na pumasok ang motor ni Narido sa linya ng kabilang kalsada kung saan paparating si Jamaldin.

Ayon pa sa ulat, nakainom diumano si Narido na mabilis ang pagmamaneho. Isa ito sa tinitingnan na dahilan ng aksidente.

Dinala ang dalawang lalake sa Aborlan Medicare Hospital habang dead on the spot ang babae.

About Post Author

Previous articleU.S. launches P1 billion e-commerce project to support digitalization of Filipino SMEs
Next articlePresyo ng mga bilihin sa palengke sa Brooke’s Point, tumataas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.