(TRIGGER WARNING: This story has potentially upsetting content. Readers should exercise caution.)

Nagrereklamo ang isang babae sa bayan ng El Nido dahil sa natamong pambubugbog mula sa limang kabataan habang naglalakad kasama ang kaibigan sa aplaya ng Barangay Masagana, maghahating gabi ng Sabado, October 22.

Ayon kay Lanie Misqueriola, pauwi na sila bandang ala una ng madaling araw noong Linggo, kasama ang kaibigan mula sa isang bar nang mangyari ang pambubugbog. Bigla na lang diumano siyang hinila sa buhok at saka hinawakan ng apat na kabataang lalaki at isang babae para bugbugin.

“Kalalabas lang namin sa work, ang daan talaga namin lagi ay sa aplaya. Tapos naisipan naming pumasok sa bar, sila pala nag-aabang na sa amin sa labas,” ayon kay Misqueriola.

Paniniwala ni Misqueriola, nagalit sa kanya ang mga kabataan matapos na tanungin siya ng mga pulis kung napansin ang mga ito at kanya silang itinuro.

“Siguro naging dahilan ng galit nila sa akin, mga bandang 11 [ng gabi] bago kami pumasok sa bar, may lumapit na mga pulis sa amin, at saka tinanong ako akung napansin ba namin ang mga kabataang nakatambay doon. Sabi ko tumakbo. Feeling ko may nakarinig sa ilan sa mga kaibigan niya, kaya inabangan na nila ako paglabas namin ng mga bandang ala una,” dagdag ni Lanie.

Ayon pa sa biktima, umabot sa halos 30 minuto ang pananakit sa kanya ng mga bata kung saan nagtamo siya ng mga pasa at bugbog sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay naghahanda na ang babae sa pagsampa ng reklamo laban sa grupo ng mga kabataan. Na-identify na din ng El Nido Municipal Police Station ang kabataang babae na sumabunot at humila sa kanyang buhok bilang isang alyas Christine, 17 taong gulang.

About Post Author

Previous articlePres. Marcos tells Filipinos it’s time to return to pre-pandemic life
Next articleDSWD commends 4Ps graduates in MIMAROPA
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.