Kapwa isinugod sa pagamutan ang mag live-in partner na parehong senior citizen matapos nilang magtagaan sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII sa bayan ng Quezon, bandang alas 4 kahapon, Mayo 18.

Sila ay kinilalang sina Rosalina Magada Zulueta, 62, itinuturing na biktima, at Rogelio Colendres Sanico, 75, na itinuturing na suspek, ayon sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Quezon Municipal Police Station (MPS), lumalabas na bago naganap ang insidente ay nag-iinuman pa ang mag live-in partner sa kalapit na bahay. Ngunit nang makauwi ay nagkaroon sila nang pagtatalo na nauwi sa pananaga.

Gamit ang itak ay tinaga diumano ni Sanico si Zulueta sa bahagi ng kanyang ulo habang ito ay nakahiga sa kama sa kanilang kuwarto.

- Advertisement -

Ayon pa rin sa ulat, nagawa ni Zulueta na maagaw ang itak mula kay Sanico. Hindi nagtagal ay ginamit din niya umano ito upang maghiganti at tagain din si Sanico.

“Nag-inuman kasi sila sa kapitbahay. Pag-uwi [nila] noong hapon, nag-aaway na sila. Ang babae, humiga na [sa] kama, doon siya tinaga sa ulo ng lalaki,” pahayag ng Quezon MPS.

“Nakalabas na agad kagabi pa lang si Zulueta, pero ang lalaki, nasa ospital pa din dahil medyo may tama siya sa kamay,” dagdag ng municipal police.

Aalamin pa ng Quezon MPS kung kung magsasampa ang babae ng kaso laban sa kinakasama nito.

Previous articleInter-municipality basketball tournament tampok sa Baragatan 2022
Next articleTribal chieftain na kasama ni Kirao bago siya pinaslang, person of interest ngayon ng pulisya
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.