fbpx
Home Authors Posts by Regine Longcayana

Regine Longcayana

52 POSTS 0 COMMENTS

Lalaking wanted sa kasong statutory rape, arestado sa Puerto Princesa

Inaresto siya sa bisa ng warrant na inilabas sa kanya noong October 16 ni Judge Bayani Usman dahil sa kasong sexual assault at acts of lasciviousness

4 na residente ng Taytay, kakasuhan ng paglabag sa Firearms Act

Hinihinalang nanghuhuli ng baboy ramo ang mga kalalakihan nang ang mga ito ay nasabat ng mga taga DENR-CENRO Taytay habang nagsasagawa ng operasyon sa lugar laban sa illegal logging.

Police mobile driver, naaksidente sa Aborlan

Kasalukuyang nasa ospital pa sa lungsod ngayon ang 50 anyos na biktimang si P/SSg. Antonio Miguel Santos ng Philippine National Police (PNP), na nakadestino sa nasabing bayan, at driver ng patrol car matapos mabangga ito ng isang pangpribadong sasakyan sa lugar hindi kalayuan mula sa Iraan bridge.

Dating drug surrenderee, nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakatayo noon si Gresones malapit sa barangay hall habang hawak-hawak ang kanyang bisikleta nang bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem galing sa norte na tumakas patungong timog, sa direksyon patungong bayan ng Narra.

Barbero na residente ng lungsod, patay sa aksidente

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, galing ng lungsod at pauwi na ng kanilang tahanan ang biktima na si Mario Masagnay Panggo, residente ng Purok Mapagmahal, Brgy. San Jose habang ang nakabanggaan naman na driver ng four wheels ay si Brian Ernesto Dacanay, 48, residente ng Brgy. Maningning, ay patungong lungsod nang dumating sa bandang kurbada ay bigla na lamang nagkabanggaan ang dalawa na nauwi sa pagkasawi ng biktimang si Panggo.

Construction worker, patay sa pananaksak ng kasamahan sa trabaho

Ayon kay P/Lt. Ray Aron Elona, station commander ng City Police Station (CPS) 1, nag iinuman ang suspek at biktima at posibleng pagkalasing at hindi pagkakaintindihan ang dahilan sa pagpatay sa biktimang si Edries Gapilango ng katrabaho nitong si Ain Ahiyal Saat na kilala sa tawag na Ayan o Sipung, mula sa Brgy. Patanta, Mapun, Tawi-Tawi.

Opisyal ng minahan, sugatan sa pamamaril

Ayon sa panayam ng Palawan News kay P/Capt. Dhayrius Redondo, hepe ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) inalok lamang ng biktimang si Bernard Oliveros Baleno, 44 at kasama nitong si Billy Panes Lumanog Jr. Sumakay ang suspek na nakasuot ng reflectorized na damit na may Personal Protective Equipment (PPE) ngunit bigla na lamang silang binaril nito na tumama nga sa kaliwang balikat ng biktima.

May-ari ng kalabaw, nasawi sa aksidente habang nagpapastol

Ayon sa ulat ng himpilan ng pulis sa Quezon, ang 23 anyos na si Liezl Malinao ay natagpuang wala nang buhay sa tabi ng ilog na nakataob habang nakatali ang paa at leeg nito sa lubid ng kalabaw na siyang pinaniniwalaang dahilan ng pagkasawi nito.

3 negosyante sa Brooke’s Point, arestado sa drug sting operation

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), ang mga naarestong suspek na sila Benjamin Bahande Jr., 42, residente ng Brgy. Calasaguen, Welmar Bahande, 44, residente ng Brgy. Maasin, Brooke’s Point, at si Felix Magsino, 45, nakatira sa Brgy. Antipuluhan, Narra.

Attempted homicide para sa 2 suspek sa pambubugbog sa Rizal

Nangyari ang pambubugbog noong August 2 pero naiulat lamang ito sa pulisya noong Lunes.

Pinaghihinalaang tulak ng droga, arestado sa Brooke’s Point

Kinilala ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), ang suspek na si Ernesto Severa Jr., 52, Admin Aid 1, at residente lamang sa nasabing bayan.

Babaeng negosyante, nasawi dahil sa aksidente sa Aborlan

Naaksidente umano ang sasakyan matapos matanggal ang gulong nito sa bandang kaliwang likuran ng sasakyan kaya ito bumangga sa poste ng Globe sa bandang kaliwa ng kalsada at bumaliktad.