Aprubado na sa una’t huling pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa ginanap na ika-37 regular na sesyon ngayong araw, Marso 28 ang Resolution No. 885-23 o ang resolusyon na humihiling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ideklara ang araw ng Agosto 25, 2023, bilang Special Non-Working Holiday sa buong Palawan kaugnay sa pagdiriwang ng ika-400 taong Kristiyanismo sa lalawigan.

“Natatangi sa kalendaryo ng simbahang Katolika sa Palawan ang taong 2023 dahil sa paggunita sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Palawan… Apat na siglo ng mga pagpapahalagang humubog sa kultura’t kasaysayan ng ating bayan,” bahagi ng paliwanag ni Board Member Maria Angela Sabado na siyang may akda ng naturang resolusyon.

“The same resolution may also be address to the chairman of National Historical Commission because events like this has historical bearing,” dagdag naman ni Board Member Winston Arzaga.

Ayon pa kay BM Sabando, sa pamamagitan nito ay magiging malawakan at ganap nang maisasakatuparan ang naturang pagdiriwang sa lalawigan lalo’t base sa datos ng Philippine Statistics Authority ay nasa 80% ang Kristiyano sa buong lalawigan.

Ito rin ay bilang pagtugon sa kahilingan ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa at Apostolic Vicariate of Taytay sa Sangguniang Panlalawigan na mas palawigin ang naturang pagdiriwang sa lalawigan.

About Post Author

Previous articleMDRRMO Sofronio Española, nag-acquire ng rescue boat
Next articleMarcos forms task force for FIBA World Cup hosting