STA. CRUZ, Marinduque – Nakiisa sa pagsayaw ang mga street dancer mula sa 15 purok ng poblacion ng Sta. Cruz bilang pagdiriwang ng ika-56 na taon ng Ati-Atihan Festival.
Suot ang kanilang mga costume na gawa sa mga recycled na gamit, umindak sa pagsayaw simula sa Holy Cross Parish patungong plaza ang mga mananayaw habang bitbit ang kanilang patron na si Sto. Niṅo at isinisigaw ang “Pit Seṅor.”

Bukod sa mga taga-Sta. Cruz, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ay dumayo rin sa panunuod ang mga tagakaratig bayan nito. Nakisaya rin sa panunuod si dating Associate Justice Presbitero Velasco na isa sa mga panauhing pandangal. (ASD/PIAR4B/MIMAROPA)