Arestado ang dalawang magkapatid na babae, habang nakatakas naman ang isa pa, sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Palawan Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Police Provincial Office (PPO) sa Brgy. Rio Tuba sa bayan ng Bataraza kahapon, September 18.

Nakilala ang mga suspek na sina Rhen Janiaco Elig, 34 taong gulang, ang Grade 11 nitong kapatid, at isang alyas “Joy”.

Nabili sa kanila ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, samantalang narekober mula sa kanilang pag-iingat ang pito pang sachet ng pinaghihinalaang shabu, at P2,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Kakaharap ang magkapatid sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Dangerous Drugs Act of the Philippines, habang patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang alyas Joy.


‼️FREE ₱100 DRUGMAN GIFT VOUCHER‼️

Gas up ₱2, 000 at CALTEX JUNCTION 2 or CALTEX SAN PEDRO and get ₱100 Drugman Voucher! 🤩

Gas up and shop! 👍

About Post Author

Previous articleES Rodriguez steps down for new role at Office of the President
Next articleNetflix to make ‘The School for Good and Evil’ available on October 19
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.