Kumontak na sa kanyang misis ang lalaking iniulat na nawawala na si Benjamin Bagona Jr., ngunit ang hiling nito, huwag muna siyang hanapin dahil nagtatampo pa siya sa asawa.

Ayon kay Raquel Castillo, kampante na siya matapos magparamdam ng mister sa pamamagitan ng tawag kaninang alas nueve ng umaga, December 8.

Nagpasalamat ito sa tulong ng media para makarating ang panawagan nito sa asawa.

Sa sandaling pag-uusap ng dalawa, tampo sa misis ang dahilan ni Bagona kaya umalis ito noong gabi ng Sabado, December 4, matapos magpaalam na bibili lang ng shampoo sa tindahan.

“Okay na po ako na nakausap ko siya, nakahinga na ako ng maluwag. Alam ko na ligtas siya,” pahayag ni Raquel.

“May sama daw siya ng loob sa akin kaya siya umalis, naiintindihan ko naman po,” pahayag ni Castillo.

Aniya, sila ay may problemang pinansyal na kanyang sisikaping ayusin kapag maisipan nang umuwi ng kanyang asawa.

About Post Author

Previous articleFire hits Ribshack at SM City Puerto Princesa
Next articleProv’l PNP reports P7M worth of illegal drugs intercepted
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.